This is the Official Blogsite of Wattpad Tagalog Stories in Facebook. Founded last December 2012 and reached 150,458 likes and followers in Facebook.

Saturday, July 5, 2014

Separation?

Takot ka bang magkahiwalay kayo ng girlfriend mo? Kapag highschool ka at gagaraduate na kayo, maaring sa ibang Universities kayo mag-aral. Kapag college na kayo at graduating na din, maaaring ibang lugar o kompanya ang pagtrabahuan niyo? Aminin niyo mga Adan, kahit minsan lang naisip niyo din na "pano kung may makilala siyang ibang lalaki at mas magustuhan niya 'to?"

Kung nasa ganito kayong sitwasyon or close to it, here's my piece of advice. This is just my opinion and considering it is still your choice. :D

Advice:

Yes, marami talaga siyang makikilalang lalaki. Hindi 'yun maiiwasan maliban na lang kung hindi siya lalabas (joke! xD). Maraming pwedeng kumuha ng atensiyon niya..pero kung mahal ka din naman niya magiging invisible lahat sa paningin niya 'yung mga unggoy na 'yun..HAHAHAHA! 'Yung boyfriend-girlfriend relationship kasi parang dalawang tao 'yan na sumakay sa isang bus na puno ng tao. Maraming makikisiksik sa inyong dalawa. Sa sobrang siksikan may posibilidad na mabitawan nung isa ang kamay ng isa..pero nasa inyong dalawa na din naman 'yan kung hahayaan niyo 'yung mga taong nakikisiksik sa inyo na paghiwalayin kayo. Diyan masusukat kung gaano nga ba kahigpit ang hawak niyo sa isa't-isa. Kung hanggang saan ang kaya niyong gawin para lang 'wag kayong mapaghiwalay ng mga taong pilit nakikisiksik sa inyo. :)

Cr. to the owner

No comments:

Post a Comment