This is the Official Blogsite of Wattpad Tagalog Stories in Facebook. Founded last December 2012 and reached 150,458 likes and followers in Facebook.

Download Free Softcopies for Offline Reading

1. Byahe
Originally written by xiaNblue
Adopted into a Short Film Movie



***
-Prologo-

Si Steffanie. Isang tipikal na estudyanteng humahanga sa kanyang mga iniidolo at nais na mapalapit sa mga ito. Para masubaybayan niya ang mga ito ay pumasok siya sa kaparehong eskwelahang pinapasukan nilang tatlo. Doon ay malaya siyang nagpaka-fangirl at dumating nga ang araw na napansin siya ng mga ito at nagkaroon siya ng chance na maging ‘isa’ sa kanila.

Ngunit wala na talaga libre ngayon. Lahat ng bagay ay may kapalit.

Upang maging ‘isa’ sa The Trio Club ay kailangang mag-level up ni Steffanie. Mula sa kanyang pananamit, paggalaw, at kahit na sa mga kakaibiganin niya at manliligaw niya. Isang sakripisyo ang ginawa sa kanya ng kanyang tatlong kaibigan at manliligaw na si Kean. Masakit man at mabigat para sa kanila ay kailangan nilang gawin para sa kanya.

Sa panahong nakapagdesisyon na si Steffanie na tumayong muli sa kanyang sariling mga paa at itama ang maling mga ginawa niya ay mapapasakamay niya ang isang diary notebook. Isang diary notebook na naglalaman ng isang kwentong tatak sa kanyang isip, mananatili sa kanyang puso at magbibigay sa kanya ng isang panibagong inspirasyon sa buhay.


DOWNLOAD SOFTCOPY FOR FREE HERE
DOWNLOAD MOVIE FOR FREE HERE


2. Is This for Real?!
Originally written by xiaNblue



***
PROLOGUE


Nagsimula lahat ng 'to dahil sa ONE SHOT story.

Dito ko sa wattpad nakilala ang isang baguhan, baliw at bagong labas sa mental na si Bloo. Naging mag-close kami to the point na ate na ang turing niya sa akin at nakakababatang kapatid na din ang turing ko sa kanya.

Dahil likas na malikot ang imahinasyon ng baliw na 'yun ay ginawan niya ako ng one shot story. Syempre go na go ako sa kabaliwan niyang 'yun. Kahit man lang sa one shot ay maging bida ako. Kahit sa one shot, magkaroon man lang ako ng masayang lovelife.

"Hindi kita Gusto"

Teka, ba't parang masakit yata 'yung title? Ganun din kaya ang story?

'Yan ang title ng one shot story ni Bloo na pinagbibidahan ko. At isang nagngangalang Ramil Mendoza ang love of my life. Medyo masakit 'yung story pero sa huli ay happy ending din naman. Subukan lang ni Bloo na gawing tragic dahil pagsisisihan niyang nabuhay pa siya! Dejoke! HAHAHA

Ramil Mendoza.

'O fafa Ramil! Nasaan ka ba maliban sa imahinasyon ni Bloo?

Minsan naisip ko na sana ay totoo na lang siya. Para naman pwede naming ipagpatuloy sa totoong buhay ang aming natatanging pag-iibigan. HAHAHAHA! Pero ASA much lang ako dahil bunga lang talaga siya ng malikot at baliw na imahinasyon ni Bloo.

Haist. It's so depressing. Dejoke ulit! HAHAHAHA. Maghahanap na lang ako ng Ramil Mendoza ng buhay ko. 'Yung totoo! 'Yung hindi fictional character! Grrrrr! Joke! HAHAHAHA

Kasagsagan  na naman yata ng kabaliwan noon ni Bloo habang nagcha-chat kami sa facebook ay parang nagulantang ang aking tahimik na buhay ng itanong niya sa akin...

"pano ate kung totoo si fafa Ramil pagkatapos magkita kayo in person?"

Ramil my loves in flesh? Errr, Pano nga ba?

At kung sinuswerte ka nga naman. NAG-DILANG ANGHEL si Bloo!

Waaaa! Anong gagawin ko?


DOWNLOAD SOFTCOPY FOR FREE HERE


3. 60 Days with My Amnesia Girl
Originally written by xiaNblue
130K Reads in Wattpad
#146 in Wattpad Humor (Dec.28,2017)



***

Umuwi si Damian sa hacienda ng lola niya para kalimutan ang babaeng minahal niya na siyang nang-iwan din sa kanya.

Ngunit sa ikatlong gabi ng kanyang pamamalagi doon ay isang babae ang dinala sa kanya ng lola Merced niya. Oo, gustong niyang kalimutan si Cheniniah--ang babaeng minahal niya, pero hindi niya kailangan ng ibang babae...lalo na kung katulad lang naman ni Jija--ang amnesia girl na dinala sa  kanya ng lola niya na back to zero talaga ang alaala!


Unang gabi pa lang ay uminit na ang dugo niya sa katangahang ginawa nito.Eh ang mga susunod pa nitong mga katangahan, makaya kaya niya? Pano 'yun, eh sa bahay niya mananatili ang dakilang amnesia girl na si Jija.

Sa loob ng 60 days na pamamalagi sa kanya ng babaeng walang alam kundi magtanong at mangulit, makatagal kaya si Damian? Makalimutan niya kaya si Cheniniah dahil sa katangahan, kabobohan, at kakulitan ni Jija? Hmmmm...


SOON - DOWNLOAD SOFTCOPY FOR FREE HERE


3. Time Won't Let Us
Originally written by xiaNblue
3-in-1 Story



-SOON-


5 comments: