This is the Official Blogsite of Wattpad Tagalog Stories in Facebook. Founded last December 2012 and reached 150,458 likes and followers in Facebook.

Sunday, July 20, 2014

Talumpati para sa mga Guro


 

Mga guro. Sino nga ba sila para sa inyo? Sabi nila ang mga guro daw ang ikalawang mga magulang natin.

Sila ang nagsisilbing mga gabay natin sa paaralan. Sila ang nagtuturo, sila ang nagdidisiplina at sila ang gumugugol ng oras nila para tayo ay maturuan ng maayos sa loob ng walong oras na pamamalagi natin sa paaralan. Hindi natin maikakaila na mayroong iba’t-ibang klase ng mga guro. May strikto, may mabait, at may parang barkada lang. Kung papipiliin kayo kung sino ang gusto niyo sa tatlong nabanggit, marahil pipiliin ng karamihan ang mabait at parang barkada lang. Iilan lang marahil ang pipili sa striktong guro. Sino ba naman kasi ang pipili sa mga gurong tigre at terror? Siguro nga ang iba diyan ay sinusumpa ang mga ganitong klase na mga guro. Subalit aking mga kaibigan, minsan ba ay sumagi sa inyong mga isipan ang mga maaaring dahilan kung bakit ganyan ang ugali ng mga striktong guro natin? Katulad ng isang magulang ang nais lang naman nila ay magkaroon tayo ng tuwid na daan. Katulad ng isang magulang na umaasam na maging maayos ang buhay ng anak nila sa hinaharap ay siya ring ninanais ng mga guro natin para sa atin. Hinihingi lang talaga ng pagkakataon ang pagiging strikto nila lalo na kung ang estudyante mismo ay pasaway at animo’y walang pakialam sa kanyang buhay. Tulad ng isang magulang ay gusto lang nilang imulat ang mga mata natin sa kahalagahan ng edukasyon at ang pagiging mapalad natin dahil tayo ay nakatungtong sa paaralan inaasam ng ibang taong hindi nabigyan ng pagkakataong makapasok sa paaralan. Marami sa mga guro natin ay mga magulang din. Alam nila ang hirap at pawis na siyang ginugugol ng mga magulang natin para tayo ay mapag-aral lang. Kaya masakit din sa kanila ang makita na tayo ay nagpapabaya sa ating pag-aaral dahil alam nila kung anong hirap at sakripisyo ang binigay ng ating mga magulang para tayo ay matustusan sa ating pag-aaral.

            Lilipas ang panahon at darating din tayo sa ganitong sitwasyon, kung saan tayo ay magiging magulang din. Sa pagdating ng panahon na ‘yun, magiging masaya ka ba kung iyong makikita na nagiging pabaya ang iyong anak sa kanyang pag-aaral?

Alam halos nating lahat ang kahalagahan ng edukasyon, kaya nga kayod kalabaw ang ating mga magulang para mapag-aral lang tayo. At sa edukasyong ito, kaagapay at karamay natin ang ating mga guro. Ang mga gurong nagsisilbi pangalawang mga magulang natin.


32 comments:

  1. Ito yung talumpating gagamitin ko. Nakakaempowered!

    ReplyDelete
  2. Related naman to sa Kabatiran diba?gusto ko sanang gamitin para bukas sa talumpati.

    ReplyDelete
  3. Pwede ko po ba itong gamitin sa aking pagtatalumpati bukas

    ReplyDelete
  4. Hello po,pwede ko po bang gamitin ito para s aming teacher's day?

    ReplyDelete
  5. Ang ganda po niya. Nakakaproud naman talaga ang mga guro. Kaya thumbs up po ako sa ginawa niyo.

    ReplyDelete
  6. Maaari ko po bang makuhaan ng ideya ang pyesang sinulat mo?

    ReplyDelete
  7. Permission to comment.. Gagamitin ko ho sana ito bukas sa talumpati ko.. For our final exam. Salamat sa writer

    ReplyDelete
  8. Maaari ko po bang magamit ito para sa aming proyekto sa pag tatalumpatiiii?

    ReplyDelete
  9. Pwede po bang kumuha Ng kaunting ideya. salamat po

    ReplyDelete
  10. MAAARI PO BANG MAGAMIT ANG INYONG TALUMPATI? MARAMING SALAMAT!

    ReplyDelete
  11. Pede po ba magamit ang talumpating ito?

    ReplyDelete
  12. Maari ko po bang nagamit sa aming unang markahan?

    ReplyDelete
  13. Maari ko po bang magamit ang iyong talumpati para sa aming talumpatiang dagli sa susunod na araw? Kung maari po?

    ReplyDelete
  14. Pwede kopo bang gamitin itong talumpati nyo para sa pagtatalumpati po namin

    ReplyDelete
  15. Pede ko po kaya gamitin sa talumpati ko ito

    ReplyDelete
  16. The Best Casinos and Casino Websites in South Africa - JTG Hub
    The best online 대구광역 출장샵 casinos in 보령 출장샵 South 과천 출장마사지 Africa. We have compiled a list 의정부 출장마사지 of the best casinos and casinos and offer some 논산 출장샵 top

    ReplyDelete
  17. Hi!! Can I use your talumpati?

    ReplyDelete
  18. Maari ko Po bang magamit itong talumpati ninyo

    ReplyDelete
  19. Maari po bang kumuha ng idea sa iyng likha

    ReplyDelete
  20. Hello po pwede puba Maka kuha Ng ideas Dito?

    ReplyDelete
  21. Pwedi kupa bang gamitin sa talumpati bukas

    ReplyDelete
  22. Woohhh grabe meaningful talaga🙂

    ReplyDelete
  23. Pwede po ba ito sa talumpati Ng nagpaparangal?

    ReplyDelete
  24. thank for your help god bless

    ReplyDelete
  25. Magandang araw po, isa po akong grade 9 na mag-aaral, hihingi lang po ako ng pahintulot na magamit ito sa aming individual performance task, salamat po sa pagsulat nitong talumpati : )

    ReplyDelete
  26. Grabe naman po Yan nakakataba po ng puso

    ReplyDelete
  27. Cool and I have a tremendous offer: What Renos Add Value house renovation book

    ReplyDelete