
Mga guro. Sino nga ba sila para sa inyo? Sabi nila ang mga guro
daw ang ikalawang mga magulang natin.
Sila ang nagsisilbing mga gabay natin sa paaralan. Sila ang
nagtuturo, sila ang nagdidisiplina at sila ang gumugugol ng oras nila para tayo
ay maturuan ng maayos sa loob ng walong oras na pamamalagi natin sa paaralan.
Hindi natin maikakaila na mayroong iba’t-ibang klase ng mga guro. May strikto,
may mabait, at may parang barkada lang. Kung papipiliin kayo kung sino ang
gusto niyo sa tatlong nabanggit, marahil pipiliin ng karamihan ang mabait at
parang barkada lang. Iilan lang marahil ang pipili sa striktong guro. Sino ba
naman kasi ang pipili sa mga gurong tigre at terror? Siguro nga ang iba diyan
ay sinusumpa ang mga ganitong klase na mga guro. Subalit aking mga kaibigan,
minsan ba ay sumagi sa inyong mga isipan ang mga maaaring dahilan kung bakit
ganyan ang ugali ng mga striktong guro natin? Katulad ng isang magulang ang
nais lang naman nila ay magkaroon tayo ng tuwid na daan. Katulad ng isang magulang
na umaasam na maging maayos ang buhay ng anak nila sa hinaharap ay siya ring
ninanais ng mga guro natin para sa atin. Hinihingi lang talaga ng pagkakataon
ang pagiging strikto nila lalo na kung ang estudyante mismo ay pasaway at
animo’y walang pakialam sa kanyang buhay. Tulad ng isang magulang ay gusto lang
nilang imulat ang mga mata natin sa kahalagahan ng edukasyon at ang pagiging
mapalad natin dahil tayo ay nakatungtong sa paaralan inaasam ng ibang taong
hindi nabigyan ng pagkakataong makapasok sa paaralan. Marami sa mga guro natin
ay mga magulang din. Alam nila ang hirap at pawis na siyang ginugugol ng mga
magulang natin para tayo ay mapag-aral lang. Kaya masakit din sa kanila ang
makita na tayo ay nagpapabaya sa ating pag-aaral dahil alam nila kung anong
hirap at sakripisyo ang binigay ng ating mga magulang para tayo ay matustusan
sa ating pag-aaral.
Lilipas
ang panahon at darating din tayo sa ganitong sitwasyon, kung saan tayo ay
magiging magulang din. Sa pagdating ng panahon na ‘yun, magiging masaya ka ba
kung iyong makikita na nagiging pabaya ang iyong anak sa kanyang pag-aaral?
Alam halos nating lahat ang kahalagahan ng edukasyon, kaya nga
kayod kalabaw ang ating mga magulang para mapag-aral lang tayo. At sa
edukasyong ito, kaagapay at karamay natin ang ating mga guro. Ang mga gurong
nagsisilbi pangalawang mga magulang natin.
Ito yung talumpating gagamitin ko. Nakakaempowered!
ReplyDeletehi! wattpad-er din ako
ReplyDelete-kapucake
Related naman to sa Kabatiran diba?gusto ko sanang gamitin para bukas sa talumpati.
ReplyDeletePwede ko po ba itong gamitin sa aking pagtatalumpati bukas
ReplyDeleteHello po,pwede ko po bang gamitin ito para s aming teacher's day?
ReplyDeleteSino po sumulat Neto?
ReplyDeleteAng ganda po niya. Nakakaproud naman talaga ang mga guro. Kaya thumbs up po ako sa ginawa niyo.
ReplyDeleteHi 9 matthew
ReplyDeleteMaaari ko po bang makuhaan ng ideya ang pyesang sinulat mo?
ReplyDeletePermission to comment.. Gagamitin ko ho sana ito bukas sa talumpati ko.. For our final exam. Salamat sa writer
ReplyDeleteMaaari ko po bang magamit ito para sa aming proyekto sa pag tatalumpatiiii?
ReplyDeletePwede po bang kumuha Ng kaunting ideya. salamat po
ReplyDeleteMAAARI PO BANG MAGAMIT ANG INYONG TALUMPATI? MARAMING SALAMAT!
ReplyDeleteMaaari ko po bang makunan ng idea?
ReplyDeleteMaaari ko po bang makunan ng idea?
ReplyDeletePede po ba magamit ang talumpating ito?
ReplyDeleteMaari ko po bang nagamit sa aming unang markahan?
ReplyDeleteMaari ko po bang magamit ang iyong talumpati para sa aming talumpatiang dagli sa susunod na araw? Kung maari po?
ReplyDeletePwede kopo bang gamitin itong talumpati nyo para sa pagtatalumpati po namin
ReplyDeletePede ko po kaya gamitin sa talumpati ko ito
ReplyDeleteThe Best Casinos and Casino Websites in South Africa - JTG Hub
ReplyDeleteThe best online 대구광역 출장샵 casinos in 보령 출장샵 South 과천 출장마사지 Africa. We have compiled a list 의정부 출장마사지 of the best casinos and casinos and offer some 논산 출장샵 top
Hi!! Can I use your talumpati?
ReplyDeleteMaari ko Po bang magamit itong talumpati ninyo
ReplyDeleteMaari po bang kumuha ng idea sa iyng likha
ReplyDeleteHello po pwede puba Maka kuha Ng ideas Dito?
ReplyDeletePwedi kupa bang gamitin sa talumpati bukas
ReplyDeleteWoohhh grabe meaningful talaga🙂
ReplyDeletePwede po ba ito sa talumpati Ng nagpaparangal?
ReplyDeletethank for your help god bless
ReplyDeleteMagandang araw po, isa po akong grade 9 na mag-aaral, hihingi lang po ako ng pahintulot na magamit ito sa aming individual performance task, salamat po sa pagsulat nitong talumpati : )
ReplyDeleteGrabe naman po Yan nakakataba po ng puso
ReplyDeleteCool and I have a tremendous offer: What Renos Add Value house renovation book
ReplyDelete